OFW BUMOTO SAKA NAG-SUICIDE

bigti

CEBU – WINAKASAN ng isang overseas Filipino worker (OFW) ang kanyang buhay makaraang makipagtalo sa kanyang misis sa Brgy. Dinagat Soriano, Toledo City.

Kinilala itong si Marvin na kababalik lang sa bansa na nagbigti makaraang bumoto noong Lunes.

Ayon sa hipag ni alyas Marvin, nagtatalo umano ang biktima at ang kanyang asawa dahil gabi na itong umuwi sa kanilang pamamahay.

Dahil dito, nagtangkang magpakamatay ang biktima gamit ang duyan ng kanyang anak na sinubukang itali sa kanyang leeg.

Hindi na nailigtas pa si alyas Marvin at tuluyan na itong binawian ng buhay.

Samantala, matapos na isara ang botohan ay nakaramdam ng power interruption ang iilang lugar sa hilaga at timog na bahagi ng probinsya ng Cebu lalo na sa Bogo, Daanbantayan, Medellin, at San Remegio.

Ito ngayon ang ikinabahala ng mga electoral board na baka maapektuhan umano ang transmission ng mga boto at ang resulta nito. PILIPINO Mirror Reportorial Team

Comments are closed.