OFW CASH REMITTANCES BUMABA ($2.509-B noong Pebrero)

BSP

BUMABA ang remittances ng overseas Filipinos noong Pebrero, ayon sa  Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP).

Sa datos ng BSP, ang cash remittances na ipinadaan sa mga bangko para sa Pebrero ay umabot sa $2.509 billion, mas mababa kumpara sa $2.668 billion noong Enero.

Gayunman, mas mataas ito kumpara sa $2.476 billion na naitala sa kaparehong buwan noong nakaraang taon. Pagdating sa country sources, ang US ang nagtala ng pinakamalaking share sa overall remittances sa 41.6 percent sa unang dalawang buwan ng taon, sumusunod ang Singapore, Saudi Arabia, Japan, United Kingdom, United Arab Emirates, Canada, Taiwan, Qatar, at Malaysia.

Samantala, ang personal remittances — ang kabuuan ng transfers na ipinada ng cash o in-kind via informal channels — ay nasa $2.793 billion, tumaas ng 1.2% mula $2.759 billion noong nakaraang taon, subalit mas mababa kaysa $2.966 billion noong Enero.

Ayon sa BSP, ang pagbaba ay dahil sa muling pagpapatupad ng restrictions sa host countries ng overseas Filipinos sa nasabing buwan.

“The total reached $2.793 billion in February from $2.759 billion in the same comparable period, which brought the total for the first 2 months of the year to $5.759 billion,” ayon sa BSP.