TULOY na ang deployment ng mga Filipinongvmanggagawa sa Israel kasunod ng pag-alis ng gobyerno sa suspensiyon ng deployment noong Mayo, ayon Department of Labor and Employment (DOLE).
Ayon kay Labor Secretary Silvestre Bello, ang gobyerno ay handa na muling magpadala ng karagdagang mga manggagawa sa gitna ng bumubuting sitwasyon doon.
Dagdag ni Bello, malaki ang pangangailangan ng Israel sa mga care worker at iba pang service worker habang dahan-dahang binubuksan ng bansa ang kanilang mga border.
Ang pagtanggap sa mga Filipinong manggagawa ay alinsunod sa bilateral agreement na nilagdaan ng Filipinas at Israel noong taong 2018.
Sa kasalukuyan, aniya, ay may kabuuang 208 caregiver contracts na ang naipadala sa Philippine Overseas Employment Administration (POEA) para sa paglagda at pagpoproseso ng mga dokumento.
Dagdag pa rito, may 23 work visa na ang naisumite sa Israeli embassy sa Taguig habang mayroon pang 90 visa application ang nakatakdang isumite sa linggong ito, ayon pa sa kalihim. PAUL ROLDAN
657902 509757I dont leave lots of comments on a lot of blogs each week but i felt i had to here. Do you need to have many drafts to make a post? 470708
899291 531789 There is noticeably a bundle to know about this. I assume you created certain good points in features also. 560279
875400 48574Bookmarked. Please also discuss with my site. 80112
335336 711603There is noticeably a bundle to realize about this. I assume you created specific good points in functions also. 195348