OFW REMITTANCES PINAAAGAPAN

Remittances

PINAAAGAPAN ng isang kongresista sa ­gobyerno ang pagpapanatili ng mataas na remittances ng overseas Filipino workers (OFWs).

Ayon kay House Committee on Banks and Financial Intermediaries Vice Chairman Henry Ong, dapat kumbinsihin ng mga economic manager at mga kaukulang ahensiya ang mga OFW na mamuhunan nang malaki sa mga maliliit na negosyo, financial securities, retirement savings, health care at education insurance.

Inaasahan aniyang tataas ngayong taon ang OFW remittances base na rin sa historical trend ng remittances ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP).

Sinabi ng kongresista na posibleng pumalo sa $31 billion ang OFW remittances ngayong 2018 kung magagawan ng pa­raan ng pamahalaan.

Batay sa tala ng BSP, mula 2010 ay dumoble ang total remittances ng mga OFW mula Hulyo hanggang Disyembre  kumpara sa figures mula Enero hanggang Hunyo.

Sa kapareho ring datos, lumalabas na nag-fluctuate ang growth rate ng OFW remittances sa 5.6 porsiyento noong 2009, 8.6 porsiyento noong 2013 at 5.3 porsiyento sa 2017.

Sa taong 2013 hanggang 2014, nanatiling mataas ang growth rate ng OFW remittances mula 7.5 porsiyento hanggang 8.6 porsiyento bunsod na rin ng presyuhan ng krudo sa pandaigdigang merkado.

CONDE BATAC

Comments are closed.