COOKS ISLAND – ISANG overseas Filipino worker (OFW) ang nanalo sa dance competition sa South Pacific Ocean.
Naganap ang kompetisyon sa Rarotonga island kung saan tinanghal si Marc Pantua Rebollos, 39-anyos ng Koronadal City, bilang National Dancer ng naturang island country matapos itong magkampeon.
Susi aniya sa kanyang pagkapanalo ay ang pagyakap sa kultura ng Maori people kung saan nakatulong din ang pagkakaroon ng pagkakapareho ng tribong T’boli ng South Cotabato at ng Maori pati na ang kanyang angking talento sa pagsayaw.
Ayon kay Rebollos, hindi ganoon kalaki ang premyo ngunit hindi naman matatawaran ang pagkilala na iginawad sa kanya.
Nagsimula si Rebollos bilang hardinero sa Cook Islands bago na-promote at nagsilbi ring tour guide.
Gusto rin nitong magsilbing inspirasyon sa mga kapwa OFW na mayroong angking galing na puwedeng ipagmalaki sa buong mundo. PM Reportorial Team
Comments are closed.