OFWs HINIMOK NA MAGNEGOSYO

DTI LOGO

MAKATI CITY – HINIMOK ng isang opisyal ng Department of Trade and Industry (DTI) ang mga overseas Filipino workers (OFWs) na magtayo ng negosyo sa Filipinas kung mayroon silang oras at resources.

Ginawa ni DTI Undersecretary Abdulgani Macatoman ang paghimok sa mga OFW sa Saudi Arabia nang bumisita ito para maghanap ng mga posibleng importer na interesado sa mga produkto ng Filipinas.

Sinabi ni Macatoman na panahon na para paghandaan ng mga Pinoy na magkaroon ng pagkakakitaan na masasabing sa kanila at hindi habang buhay na mangangamuhan.

Aniya, pinaghahandaan na rin ng Duterte administration ang mga livelihood program para sa mga OFW.    EUNICE C.

Comments are closed.