MAYNILA – NABUHAYAN ng loob ang mga overseas Filipino worker (OFW) na nais bumalik sa Libya para magtra-baho muli.
Ito ay nang tanggalin na ng Department of Labor and Employment (DOLE) ang deployment ban sa mga Filipino.
Noong isang linggo ay inanunsiyo na ng DOLE na maaari nang magtrabaho muli ang mga OFW sa nasabing bansa.
Ayon sa Philippine Overseas Employment Administration (POEA), nagdesisyon sila makaraang ang basbas ng Department of Foreign Affairs (DFA) makaraang ibaba ng National Security Council ang Crisis Alert Level sa Libya mula sa Level 3 (Voluntary Repatriation Phase) patungo sa Level 2 (Restriction Phase).
Ipinatupad ang deployment ban noong Setyembre 2018 makaraang itaas ng DFA sa Alert Level 3 dahil maraming bilang ng kaso ng kidnapping ng overseas Filipino workers (OFWs).
Ang Deployment ban ay awtomatikong ipinatutupad kapag umabot sa level 3 ang alarma. EUNICE C.
Comments are closed.