MAKATI CITY – BILANG paggunita sa World BPH (Benign Prostrate Hyperplasia) Day, nagsagawa ng mini-seminar ang GlaxoSmithKline Philippines (GSK) kung saan binalaan ang mga kalalakihan, anuman ang estado nito sa buhay, kasama na ang mga overseas Filipino worker (OFW) partikular ang seafarers laban sa nasabing sakit.
Sa pag-aaral, hindi agad makikitaan ng sintomas ang naturang sakit at kung minsan ay inakalang UTI o urinary tract infection lamang ito dahil sa hirap ng pag-ihi kaya naman ipinapayo ni Dr. Marie Carmela Lapitan, urologist, na agad magpasuri sa doktor.
Katuwang din sa pagpapaliwanag hinggil sa BPH si Dr. Jay Javier.
Habang ang OFWs na nakararanas ng tila binabalisawsaw at pagkakaroon ng dugo sa ihi ay agad kumonsulta sa doktor.
Dagdag pa ni Dr. Lapitan, ang isang sintomas ng sakit ay hirap makatulog at magkaroon ng sexual dysfunction.
Lumalala ang sakit, ayon sa mga dalubhasa, dahil nahihiyang kumunsulta ang mga Pinoy gayundin ang mga nagtatrabaho sa abroad sa pangambang mapauwi sila.
Kaya naman sa nasabing mini-seminar, hinimok ang mga mga dumalo na isulat ang pangalan na nais nilang matulungan ng doktor at ipadadala ang question and answer letter para matukoy kung may taglay itong BPH. EUNICE C.
Comments are closed.