(OFWs pinaalalahanan para makaiwas sa abala) LIVESTOCK PRODUCT BAWAL BITBITIN SA S. KOREA

South Korea

PASAY CITY – UPANG hindi maabala sa biyahe, pinayuhan ang mga overseas Filipino worker o Filipino tourist na huwag nang magbitbit ng hayop o livestock products patungong South Korea.

Sa travel advisory ng Korean authorities, nagbabala ito na pagmumultahin ang magtatangkang magpasok ng hayop at livestock product sa kanilang lugar.

Sa statement ng Philippine Embassy sa Seoul, mahigpit na ipatutupad ang pagbabawal na alinsunod sa “Act on the Prevention of Contagious Animal Disease” at bilang pagsunod sa advisories mula sa South Korean government agencies.

Pinapayuhan naman ang lahat na papasok sa kanilang bansa na ideklara ang kanilang mga ipapasok na livestock product sa anumang port of entry.

Ang sinumang mabibigo sa kautusan ay pagmumultahin ng P439,815.73 at ang hindi makapagbabayad ay babawalan nang pumasok sa kanilang bansa.

“It came to the attention of the Philippine Embassy that an entry ban of five years was handed down to a traveler who came to South Korea last 21 October 2019, as a result of failing to pay the fine amounting to ?5,000,000.00 (P219,907.87) for bringing in pork sausages at the airport,” ayon sa statement. MARIVIC FERNANDEZ

Comments are closed.