OFWs PUWEDENG  ENVOY NG PINAS

Juan Movement Partylist

ISANG bagong kilusan na hihikayat para sa makabuluhang pagbabago ng  mga Filipino ang inilunsad upang tulungan ang bansa na magkaroon ng magandang imahe sa iba’t ibang panig ng mundo.

Ayon kay Arnell Ignacio, ang kilalang Pinoy entertainer na ngayon ay tagapagsalita ng ‘Juan Movement Partylist’ at dating deputy administrator sa Overseas Workers Welfare Administration (OWWA), naniniwala rin sila sa mahalagang papel ng overseas Filipino workers (OFWs) upang makalikha ng positibong im­presyon ang Filipinas sa mga dayuhan.

Sa panayam ng media, sinabi pa ni Ignacio na hindi dapat makuntento ang mga Filipino na kilalanin ng mundo ang kanilang hu-say bilang mga manggagawa.

“Sa lahat ng panig ng mundo, Filipino ang ‘preferred wor­ker’ ng mga dayuhan dahil lagpas na sa oras ay magtatrabaho pa rin basta maganda ang relasyon sa kanilang amo,” aniya.

Bago nagbitiw sa OWWA noong Pebrero 26, nabigyan ng pagkakataon si Ignacio na makasalamuha ang mga OFW sa iba’t ibang panig ng mundo kung saan nakita niya ang potensiyal ng mga ito bilang mga ‘bagong kina­tawan’ ng Pilipinas na kayang impluwensiyahan ang pananaw ng ibang bansa sa mga Filipino.

Ang kailangan lang, dagdag pa ni Ignacio, ay magkaroon ng mga reporma sa sistema ng edukasyon sa bansa, na isa sa mga isinusulong ng Juan Movement, upang maibalik ang mga tradisyunal na kaugalian ng mga Filipino at pagmamalaki sa ating maya-mang kultura.

Ilan sa mga binanggit ni Ignacio ay ang disiplina, pagmamahal sa pamilya, malasakit sa kapwa at pagpahalaga sa malinis na ka-paligiran.

“Ang Juan Movement ay isang kilusan upang makalikha tayo ng mga ‘bagong Filipino’ na may pagmamalaki sa ating bansa at sa ating kultura. Lahat tayo, kasali rito,” dagdag pa ni Ignacio.

Armado ng ganitong mga kaalaman, naniniwala, aniya, ang Juan Movement sa kakayahan ng mga OFW bilang mga ‘powerful influencer’ na kayang baguhin ang negatibong imahe ng bansa at ng mga Filipino sa pananaw ng mga dayuhan.

“Palagi kong sinasabi sa aking mga kasamahan (sa gobyerno) na nasa istratehikong posisyon ang mga Filipino na (ang iba) ay malalapit sa mga nasa posisyon at (nasa poder) kapangyarihan sa iba’t ibang panig ng mundo.”

“They (OFWs) can be powerful influencer because they are close to powerful and influen­tial figures all over the world,” pali-wanag pa nito.

Inilunsad din umano nila ang ‘Juan Movement’ upang tulungan si Pangulong Rodrigo Duterte na ang marubdob na pagmama-hal sa bansa ay nagsilbing inspirasyon sa kanilang kilusan.

“Kailangan ni Pang. Duterte ng katulong para maging maayos ang buong bansa,” pagtatapos ni Ignacio.

Comments are closed.