PASAY CITY – PINAALALAHAN ng Department of Foreign Affairs ang mga Filipino na nasa Egypt na maging alerto kapag nasa public places.
“Filipinos in Egypt should “exercise caution” after authorities there foiled a recent suicide bombing attack”, ayon sa advisory ng DFA.
Batay sa ulat, tinangka ng isang lalaki na pasabugin ang sarili malapit sa isang petrochemical plant kung saan nasa isanlibong Pinoy ang nagtatrabaho bilang construction workers.
Gayunman, napigilan ang plano ng umano’y suicide bomber. EUNICE C.
Comments are closed.