OFWs SA EGYPT TAKOT NA RIN SA COVID-19

CAIRO

CAIRO – UMABOT na sa mga overseas Filipino worker (OFW) sa Egypt ang pangamba laban sa coronavirus disease (COVID-19).

Sinabi ng isang OFW sa Maadi, Egypt na tubong Dupax del Sur, Nueva Vizcaya, anim ang pinagsususpetsahang may kaso ng COVID-19.

Sinabi ng OFW na hindi pina­ngalanan, oobserbahan ang anim na foreigner at ilang Egyptian sa loob ng 14 days sa isolation room.

Sinabi rin nito na nanggaling ang mga ito sa labas ng Egypt.

Dagdag niya na magiging alerto sila dahil sa unang kaso ng COVID-19 sa kanilang bansa. PILIPINO MIRROR REPORTORIAL TEAM

Comments are closed.