OFWs SA ISRAEL MAAYOS ANG TRATO

PRES-DUTERTE-ISRAEL

TEL-AVIV – PINURI ni Pangulong Rodrigo Duterte ang gobyerno ng Israel dahil ito ang may pinakamaayos na trato sa overseas Filipino workers (OFWs) sa lahat ng mga bansang sakop ng Middle East.

Kahapon ng umaga ay nakaharap ng ­Pangulo ang mga Pinoy na naroon na karamihan ay ­caregivers.

Naging maluwag naman ang Israel government sa mga OFW at mistulang holiday dahil ilan sa mga employer ay pumayag na lumiban ang kanilang Pinoy worker para dumalo sa pagtitipon.

Sa talumpati ng Pangulo, inamin nitong wala siyang naririnig na masamang balita hinggil sa mga minaltratong Pinoy at kung hindi aniya masama, sa nasabing bansa na lang ipadadala ang mga Filipino dahil maganda ang buhay roon.

Kabilang naman sa maaaring mapakinaba­ngan ng mga OFW na nakabase sa Israel ay ­malagdaan ang kasunduan na bawasan ang placement fee.

Kabilang din sa maaaring mapaloob sa kasunduan ay ang provision for food, housing, clothing, and registration sa health insurance system para sa domestic workers.      EUNICE C.

Comments are closed.