OFWs SA ISRAEL NAGPA-RESERVE NA NG UPUAN SA PAGBISITA NI DU30

TEL AVIV – DOUBLE time ang paghahanda ng overseas Filipino workers (OFWs) sa ­Israel kahapon dahil sa pagdating ngayong araw sa nasabing bansa ni Pangulong ­Rodrigo ­Duterte.

Sinabi ng isang Inday na taga-Davao City, sa loob ng 14 taong pananatili sa  Israel ay kinakailangan nilang magparehistro sa embahada upang makakuha ng slot at makadalo mismo sa lugar kung saan makikipagkita sa mga OFW si Pangulong Duterte.

Napag-alaman na isa si Inday sa masu­werteng OFWs sa Israel na napiling makaharap ang pangulo sa kanyang pagbisita.

Tatagal hanggang Setyembre 5 ang pagbisita ni Pangulong Duterte sa Israel at tutulak ito sa Jordan. PILIPINO Mirror Reportorial Team

Comments are closed.