OFWs SA NEW ZEALAND NAGPAKITA NG MALASAKIT SA BIKTIMA NG SHOOTING

MONEY CONTRIBUTION

IPINARAMDA  ng mga Overseas Filipino Worker (OFW) sa Christchurch, New Zealand, ang kanilang pagmamalasakit para sa pamilya ng mga biktima ng mass shooting sa dalawang mosque kung saan 50 katao ang nasawi.

Sinabi ng ilang OFW na apat na taon nang nagtatrabaho sa Christchurch bilang welder at fabricator, sinabi nito na nag-ambag-ambag ang mga OFW upang makalikom ng pera.

Ang nalikom na pera ay personal na iniabot mismo ng mga OFW bilang tulong-pinansiyal sa mga nagdadalamhating pamilya ng mga bitkima.

Sinabi ng mga OFW na  bagaman walang Pinoy na nadamay sa nasabing mass shooting, labis na kalungkutan ang kanilang naramdaman.

Ito ay sa kadahilanang nangyari ang pamamas­lang sa lugar kung saan halos walang bahid ng diskriminasyon sa kahit anong relihiyon at lahi.

Samantala, bumaha rin ng mga bulaklak sa pinangyarihan ng krimen at marami ang mga nagtirik ng kandila para sa mga biktima ng mass shooting. AIMEE ANOC

Comments are closed.