SOUTH KOREA – HINDI matanggap ng mga overseas Filipino Worker (OFW) ang pagpatay sa Pinoy worker na si Angelo Claveria ng Rizal Ilawod, Cabatuan, Iloilo.
Inihayag ni Mark Anthony Encio ng Barangay Calumpang, Molo, Iloilo City at ngayon ay nagtatrabaho sa South Korea, hindi nila matanggap ang sinapit ni Claveria.
Nagalit at ikinahihiya ng mga ito ang killer ni Claveria na isa ring Pilipino.
Si Claveria ay natagpuan na lamang na isa nang kalansay sa water tank, dalawang taon simula nang ito ay nawala.
Apat na mga Pinoy na kasamahan nito sa trabaho ang itinuturong suspek ng South Korean police.
Nag-ambag-ambag naman ang mga Pinoy sa South Korea upang makatulong sa pamilya ni Claveria.
Comments are closed.