OFWs SA THAILAND PINAG-IINGAT

THAILAND

BANGKOK – PINAALALAHANAN ng konsulado ng Filipinas sa Thailand ang mga Filipino, lalo na ang migrant workers na doble ingat dahil pinaigting ng Thai government ang paglansag nila sa mga sindikatong pumasok sa kanilang bansa.

Ang operasyon ay tinawag na “X-Ray Outlaw Foreigner” kasunod ng mga ulat na nagiging talamak ang visa abusers at illegal migrants.

Sa ulat, milyon-milyong turista ang dumaragsa sa Thailand dahil sa murang bilihin at magagandang beaches.

Subalit ilang grupo ang kumondena sa operasyon na tinawag itong mahina at may diskriminasyon.

Gayunman, naninindigan ang Thai authorities na kanilang paiigtingin ang Operation X-Ray, isang programa na nagsimula noong isang taon kung saan mahigit 1,000 katao na ang naaresto sa loob lamang ng ­ilang linggong implementasyon nito at karaniwan ay mga expired na ang visa.

Tumugon din ang awtoridad sa alegasyong nagpapalakas ng diskriminasyon ang operasyon at iginiit na kanilang sinusuring mabuti kung dapat hulihin ang isang tao kahit pa taglay ang dark skin.

“Our job is to classify who are the good dark-skinned people and who are the ones likely to commit crimes,” ayon kay Immigration Bureau chief Surachate Hakparn.

Layunin din ng operasyon na dakipin ang visa overstayers at mga kriminal lalo na ang “romance scammers” na nanloloko gamit ang locals online. EUNICE C.

Comments are closed.