DUBAI, UAE – ILANG overseas Filipino workers (OFWs) ang nangangamba dahil sa pagtama ng sandstorm at sobrang init na klima sa lugar na ito.
Sinabi ni Jonalyn Biscarra, OFW sa Dubai, madaling araw noong Biyernes nang tumama ang sandstorm ngunit pagsapit ng hapon ay naging kalmado na rin ang sitwasyon.
Payo ni Biscarra, kung walang mahalagang pupuntahan ay nananatili na lang sila sa loob ng kanilang tahanan o establisimiyento pinagtatrabahuan dahil maliban sa mainit ay malakas din ang hangin na nagreresulta ng sandstorm.
Sinabi naman na Biscarra na umpisa pa lamang ito dahil sa mga susunod na buwan ng Hunyo hanggang Agosto ay mas lalo pang tataas ang temperatura at lalala ang sandstorm kaya doble ingat na sila upang maiwasang magkasakit.
Sa tala ng National Center of Meteorology, umaabot sa 55kph ang lakas ng hangin.
Nagbabala rin ang awtoridad sa mga motorista dahil halos zero visibility na ang mga kalsada sa kapal ng buhangin at pinag-iingat ang mga residente laban sa respiratory diseases. CAMILLE BOLOS
Comments are closed.