OGIE ALCASID DUMARAMI ANG BLOCK SCREENINGS NG KANYANG ‘KUYA WES’

OGIE ALCASID

star mirrorUSO ngayon ang pagba-block screening ng isang pelikula para kumita, dahil hindi mo maaasahan na papasukin ngayon ng mga manonood ang mga pelikula na ang mga bida ay walang box-office appeal.

Ang balita ngayon ay nagpi-pick up ang pelikulang Kuya Wes ni Ogie Alcasid dahil sa block screenings at ang pinakahuling nagpa-block screening sa nasabing pelikula ay ang asawa nitong si Regine Velaquez na ginanap sa UP Town Center sa may Katipunan Avenue, QC.

Ang magandang ba­lita ay maraming mga kaibigan ang mag-asawang Regine at Ogie ang gustong magpa-block screening sa nasabing pelikula bilang suporta sa kanila. Lalo na ngayon, magagandang reviews umano ang inaani mula sa mga nakapanood ng pelikula kaya hindi raw nakapagtataka na Graded A itong CEB (Classification & Evaluation Board).

Siguro masaya na ngayon si Piolo Pascual na isa sa mga prodyuser ng pelikula na balitang malungkot dahil kokon­ting mga sinehan lamang ang kanilang nakuha para sa kanilang pelikula. Ang tsika, ikinalulungkot pa raw ng aktor na ang mga pelikulang Marvel Heroes ang pinipilahan ngayon pero pagdating sa local movies ay hindi interesado ang mga manonood.

VICE AT ION MAY BAD OMEN SA KANILANG ‘RELASYON’

ION-VICESA video lang namin napanood ang Wednesday episode ng It’s Showtime (March 20) kung saan sa segment ng Kapare’Who’ ay ‘OA’ sa kilig si Vice Ganda nang makita nito ang abs ng nababalitan nitong syota na si Ion Perez habang sumasayaw.

Dahil nga sa sobrang kilig ay pinasayaw niya ito muli na pinagbigyan naman siya pero dahil sa ‘sobrang OA’ ng pagtaas nito ng kanyang paa ay inabot ang tray na dala-dala ni Ion na may dalang isang basong tubig kaya tuluyang nahulog ang nasabing baso ng tubig at nabasag ito nang bumagsak sa sahig. But the show must go on, ‘ika nga, kaya tuloy ang pagpapatawa.

May ipinakitang lam­bingan sina Vice at Ion kung saan ginawang “shoulder to cry on” ni Vice ang nababalitang syota nito at dahil sa eksenang ito, maraming nanonood na naniniwalang may namamagitan na sa dalawa.

Nataon naman na hindi pa napanood ang kanilang pag-amin sa Gandang Gabi Vice dahil ang tsika ay sa Linggo pa raw ito ipalalabas.

Ang punto rito ay parang pahiwatig ito sa dalawa na kung may relasyon man sila ay posibleng hindi ito magtatagal at mauuwi ito sa hiwalayan at puwedeng may pisikalang magaganap sa kanilang paghihiwa-lay. Sana scripted ang pangyayari at ‘wag naman sana umabot sa hiwalayan ang kanilang pagmamahalan kung totoo ang kanilang pagmamahalan at hindi scripted.

Comments are closed.