ISA sa apat na PinakaPASADOng Aktor ay si Ogie Alcasid kung saan nakatuon ang aming atensyon dahil kilala siya bilang isang mang-aawit at komedyante.
“Actually, 20 actors ang nominated dito hanggang nag-trim down kami sa 10 actors at d’un kinuha ang apat na PinakaPASA-DOng Aktor na kinabibilangan nina Allen Dizon, Paulo Avelino, Ogie Alcasid at Eddie Garcia,” panimula ng Pangulo ng PASA-DO na si Dr. Emmanuel S. Gonzales tungkol sa pagkapanalo ng mang-aawit.
“Kakaibang Ogie Alcasid ang mapapanood dito, simple siyang umarte, walang ka-effort-effort. Ang shining moment niya ay ‘yung eksenang pinagsuntok-suntok nito ang kanyang sarili dahil na-in love siya sa isang magandang babae na alam naman niya na may asawa ito.
“Para sa akin, puwedeng pag-aralan ang baguhang personality sa Kulturang Filipino na may isang tao na na-in love pa rin sa isang may asawang tao. Nag-aasume siya na puwede niyang mahalin ang isang tao na committed at papatulan siya. Milinyal ang story dahil walang social issues dito na tinatalakay pero lumabas pa rin ‘yung Kulturang Filipino.”
Maliban sa mga nanalong artista ay inaasahan ang pagdalo rin ni Mayor Herbert Bautista dahil pararangalan siya ng mga Da-lubguro bilang PinakaPASADOng Lingkod-Bayan.
May tsika habang ginaganap ang presscon ng araw na ‘yun na tiyak na ikagugulat ni Mayor Bistek kapag malaman nito na ang auditorium kung saan gaganapin ang Gawad Pasado ay ipinangalan sa kanya. Ito ay ibinunyag ng Kalihim ng Pasado na si Dr. Roberto Ampil na Kasapi at Administrador ng QCPU.
Narito ang nanalo sa PinakaPASADOng Aktres na kinabibilangan nina Gloria Romero (Rainbow’s Sunset), Ai-Ai Delas Alas (School Service) at Bea Alonzo (Kasal).
PinakaPASADOng Pelikula: Rainbow’s Sunset (Heaven’s Best Entertainment), Kasal (Star Cinema), Bomba (ATD Entertainment Production), Aria (Holy Angel University) at Kuya Wes (Spring Films/Cinemalaya).
Comments are closed.