OIL FIRMS KAKASUHAN SA ‘UNJUST TRADING’ SA 2ND ROUND NG FUEL EXCISE TAXES

DOE-DIESEL

MAHAHARAP sa mga kasong administratibo at kriminal ang mga kompanya ng langis na magpapataw ng ikalawang bugso ng excise taxes simula sa Enero 2019 sa mga petrolyo na nabili noong 2018, ayon sa Department of Energy (DOE).

“Violators face administrative penalties such as closure of the enterprise and criminal penalty of large scale estafa,” paha­yag ng DOE.

Ayon sa ahensiya, kailangang ubusin muna ng mga kompanya ng ­langis ang kanilang 2018 oil inventories bago ipatupad ang second round ng excise tax sa mga produktong petrolyo para sa 2019 sa ilalim ng Tax Reform for Acceleration and inclusion (TRAIN) law ng administrasyong Duterte.

Sa ilalim ng TRAIN law ay tataas ang excise tax kada taon sa loob ng tatlong taon simula Enero 1, 2018 kung saan ang excise tax sa diesel ay tumaas ng P2.50 kada litro, P1 sa kada kilo ng LPG, at P2.65 sa kada litro ng  regular at unleaded gasoline.

Nakasaad din sa batas na simula sa 2019, ang excise taxes para sa diesel ay tataasan ng P4.50 at ang gasolina ng P9.00 sa ilalim ng second tranche.

“With the imposition of the additional excise taxes, we are stringently looking at the 2018 inventories of oil companies in order to protect consumers from unjust trading and profiteering once the se­cond tranche is opera­tionalized,” wika ni ­Energy Secretary Alfonso Cusi.

“The sale of old stocks, referring to the remaining balance of the inventory ending Dec. 31, 2018, which was not covered by the second tranche of excise taxes, should not be collected from consumers,” dagdag pa niya.

Sa pakikipagtulungan sa Department of Finance (DOF), Bureau of Customs (BOC) at Bureau of Internal Revenue (BIR), ang DOE ay bumuo ng mekanismo upang mahigpit na bantayan ang mga umiiral na imben­taryo sa sandaling ipatupad ang ikalawang bugso ng excise taxes.

“We are ready to implement the second tranche of TRAIN, which imposes additional excise taxes to various commodities like petroleum products by New Year,” ani Cusi.

“We have to ensure the proper implementation of the second tranche of TRAIN, because the new collection will be used to support our ‘Build Build Build’ ­programs, free tuition fee, and medical assis-tance for our kababayans,” sabi pa niya.