(Ok sa LTFRB pero ikokonsulta pa sa NEDA)TAAS-SINGIL SA PASAHE SA BUS

“Personally, I recognize na talagang kailangan ng increase, but we will find that balance nga kasi mahirap naman na basta-basta ka mag-increase without any basis,” sabi ni LTFRB chairman Cheloy Garafil.

Aniya, kailangan nilang kunin ang opinyon ng NEDA para sa makatuwirang dagdag-pasahe.

Ang Provincial Bus Operators Association of the Philippines (PBOAP) ay humihirit ng fare increase na 30-35 centavos per kilometer, o karagdagang P2.20-P2.50.

Para sa 100-kilometer trip, ang mga commuter ay magdaragdag ng P30 sa kasalukuyan nilang pamasahe.

Sa kanilang petisyon noong Mayo, ang mga city bus group ay humihingi ng P4 hanggang P7 dagdag sa kanilang base fare para sa unang 5 kilometers. Kapag naaprubahan, ang mga commuter ay magbabayad ng minimum fare na P20 sa halip na P13 para sa air-conditioned units at P15 mula P11 para sa ordinary buses.