OLYMPIC BID NI PACQUIAO PORMAL NA INIHIRIT SA IOC

Manny Pacquiao

SUMULAT na ang Philippine Olympic Committee (POC) sa governing body ng Olympics para sa posibleng pagsabak ni Filipino boxing legend Manny Pacquiao sa iParis Games sa susunod na taon.

Sinabi ni POC President Abraham “Bambol” Tolentino na ipinadala niya ang kahilingan sa International Olympic Committee (IOC) bago siya umalis sa Hangzhou, China kung saan idinaos ang katatapos na 19th Asian Games.

“October talaga ang pag-submit ng appeal. We just emailed the IOC on that issue…if he will be allowed to bid one of the universality (places),” wika ni Tolentino.

Ang 44-year-old world champion ay maaaring bigyan ng ticket sa Paris Games sa ilalim ng universality places rule, na tumutulong sa mga atleta mula sa mga bansa na hirap kumuha ng puwesto sa pamamagitan ng normal qualification channels. Ang IOC ay  naglaan ng siyam na slots para sa boxing — lima sa women at apat sa men.

Ayon kay Association of Boxing Alliances in the Philippines SecretaryGeneral Marcus Manalo, ang kampanya ni Pacquiao ay napipigilan ng age limit sa Olympic qualifiers.

“The age limit is set by the Paris boxing unit. It has always been 19 to 40,” sabi ni Marcus.

“I don’t know if there will be exemption for this, but siguro pwedeng i-challenge ‘yung [perhaps we can challenge the] reasoning behind 40, because he could be more conditioned than, you know, boxers younger than his age,” dagdag pa niya.

Inanunsiyo ng eightdivision world champion na si Pacquiao ang kanyang pagreretiro sa professional boxing noong September 2021.