OLYMPIC SLOT TARGET NG PH ROWERS

PSA

MATAPOS na magwagi  ng gold medals sa 30th Southeast Asian Games, nakatutok ngayon ang Philippine Rowing Association (PRA) sa nalalapit na Tokyo Olympics.

Ayon sa federation sa ilalim ni newly-elected president Patrick Gregorio, target nilang magkuwalipika ang kahit sino, kung hindi man lahat, sa tatlong paddlers na nagwagi ng gold sa katatapos na biennial meet.

Ang nag-iisang  Olympic qualifier para rowing ay nakatakda tatlong buwan mula ngayon at inihayag ni Gregorio ang commitment ng PRA na magkaloob ng all-out support sa kampanya ng mga Pinoy na makasambot ng puwesto sa Tokyo bilang bahagi ng  kanyang initial project bilang pinuno ng asosasyon.

“Kung papalarin, baka makakuha pa tayo ng isa pang qualifier para sa Tokyo Olympics,” wika ni Gregorio.

Ang tinutukoy ng rowing president ay isa kina Joanie Delgaco, Melcah Jen Caballero, at Chris Nievarez, pawang nanalo ng golds sa nakalipas na SEA Games at sasabak sa nag-iisang  Asia and Oceania Qualification Tournament  na gaganapin sa Chungju, South Korea sa April 27 to 29.

Partikular na may pinakamalaking tsansa na magkuwalipika sina   Delgaco at Caballero sa lightweight women’s double sculls (LW2x) makaraang tumapos sa fourth sa nakaraang Asian Rowing Championships at eighth sa World Rowing Championships.

Tatlong Asian berths ang nakataya sa three-day qualifier.

“Kung matutuloy ‘yung  training ng mga atleta, ‘yung  foreign coach na susuporta and of course, ‘yung  suporta ng sponsors, I’m really confident that we can qualify (to the Olympics),” wika ni Gregorio, na kasama ang tatlong  paddlers sa Philippine Sportswriters Association (PSA) Forum kahapon sa Amelie Hotel-Manila.

Sina national coaches Con Fornea at  Ed Mayrina, kasama si newly-elected deputy secretary-general at treasurer Magnum Membrere ay kasama ng grupo sa session na itinataguyod ng San Miguel Corp., Braska Restaurant, Amelie Hotel, at Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR).

Samantala, si Nievarez ay lalahok sa i lightweight men’s single sculls (LM1x), kung saan limang fOlympic berths ang nakataya para sa  Asia.

Si Benjie  Tolentino ang huling Pinoy na nagkuwalipika sa Olympics noong 2000 sa Sydney kung saan tumapos siya saOlympics, 18th sa men’s single sculls.

Kapwa nagpahayag ng kumpiyansa sina Delgaco at Caballero sa kanilang tsabsa lalo na’t susuportahan sila ng PRA.

“Walang imposible sa sports basta determined lang ang lahat ng mga atleta. Exposure and continues training, walang imposible na makapag-qualify sa Olympics,” ani Caballero

Dagdag ni Delgaco, “Halos lahat nagpupursige para sa qualifier. Ang hiling lang po namin is exposure at mabigyan lang kami ng magandang suporta.”

Comments are closed.