OLYMPIC SLOT TARGET NG PINAY KARATEKA

UMAASA si Filipina karateka Jamie Lim, gold medalist sa 2019 Southeast Asian Games, na malulusutan ang mga hamon at makakasambot ng puwesto sa Tokyo Olympics ngayong taon kung saan paglalabanan ang karate sa unang pagka-kataon.

Si Lim ay isa sa dalawang Pinay na nagwagi ng gold sa karate sa SEA Games, kung saan nadominahan niya ang   +61kg division, habang namayani si Junna Tsukii sa  -50kg class. Ang dalawang atleta, kasama si Fil-Am Joane Orbon, ay naghahangad ng puwesto sa Olympics.

Inaasahang sasabak sila sa final qualification tournament na gaganapin sa Paris, France sa June 11-13.

“It’s gonna be a long shot, kasi everyone will wanna join and everyone wants to be part of the Olympics,” pag-aamin ni Lim, anak ni Philippine basketball legend Samboy Lim, sa kanyang pagbisita sa “The Chasedown” nitong weekend.

“And this is really the last shot (for the Olympics),” dagdag pa niya. “Pero kakayanin po.” “I’m gonna do everything I can. I’ll do my best and hope for the best po.”

May tatlong spots na nakataya sa final qualifiers in sa division ni Lim.

Para makapaghanda sa mabigat na hamon ay sinisiguro ni Lim na palagi siyang nasa magandang kondisyon sa kabila ng nararanasang pandemya dulot ng COVID-19 pandemic.

Kasama ang kanyang teammates sa Karate Pilipinas ay regular siyang dumadalo sa virtual training sessions.

Ngayong weekend ay magkakaroon sila ng pagkakataong magsanay ‘in person’ sa pagpasok nila sa ‘bubble’ sa Inspire Sports Academy aa Calamba, Laguna para sa isang camp.

Comments are closed.