LIMANG Pinoy rowers ang magtatangkang makakuha ng puwesto sa Olympics sa pag-arangkada ng 2021 World Rowing Asian-Oceanian Olympic Qualification Regatta sa Tokyo, Japan.
Umaasa si Philippine Sports Commission (PSC) Chairman William ‘Butch’ Ramirez na marami pa ang magkuku-walipika mula sa national team at tiniyak niya na ibibigay ng PSC ang lahat ng suporta nito sa mga atleta sa kabila ng kasalukuyang sitwasyon hanggang makakaya nito.
“Salamat po sa PSC sa pagsuporta at pagtitiwala sa amin. Regular po ang online consultations namin sa sports psychology and sports physiology,” wika ni Melcah Jen Caballero.
Pinasalamatan ni Caballero ang PSC sa lagi nitong pagpapalakas sa kanilang mental health, sa pamamagitan ng Medical Scientific Athletes Services (MSAS) units ng ahensiya.
Kasama ni Caballero na sasabak sa women’s lightweight women double sculls si Joanie Delgaco, habang sina Zuriel Sumintac at Roque Abala ay lalahok sa men’s lightweight double sculls. Sasalang naman si Cris Nievarez sa men’s single sculls mula Mayo 5 hanggang Mayo 7.
Nagpasalamat din si rowing coach Edgardo Maerina sa sports agency.
“Diresto ang suporta at monitoring nila sa amin. Hindi man naging madali ang preparations, motivated ang mga athletes natin,” sabi ni Maerina — ang unang Pinoy na sumabak sa Olympic rowing noong 1988.
Sinagot ng PSC ang hotel accommodation, allowances, at airfare ng team na nagkakahalaga ng P1.4 million. Kasama rin dito ang gastos para sa RT-PCR tests pagdating nila sa Tokyo, at accommodation assistance sa pagbalik nila sa bansa. CLYDE MARIANO
523252 824055Excellent read, I just passed this onto a colleague who was performing slightly research on that. And he actually bought me lunch as I found it for him smile So let me rephrase that: Thank you for lunch! 992962
985191 945619Now we know who the ssebnile 1 is here. Wonderful post! 503624
554412 703486A blog like yours need to be earning much dollars from adsense..-., 672497