IPATUTUPAD ang “One Stop shop “ ng Bureau of Customs (BOC) sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) upang mapabilis ang releases ng mga imported sa bakuran ng ahensiyang ito .
Llayunin ng OSS na ito na mapagtuunan o mabigyan ng pansin ang importation o mga incoming Personal Protective Equipment (PPE) sa mga airport at sea port.
Bukod sa mabilis na proseso ng mga PPE, matutulungan din ng kanilang mga tauhan ang mga stakeholder sa pagpapalabas ng mga donasy-on ng imported relief goods, equipment at medical supplies na gagamitin sa enhanced community quarantine.
Bukod sa tulong sa mga stakeholder, ang OSS ang siyang magiging responsable sa pakikipag-ugnayan sa ibat-ibang ahensiya ng pamahalaan sa processing ng mga donasyon ng relief goods, equipment at medical supplies.
Ayon naman sa mga bumabatikos sa Bureau of Customs, tila nagising ang BOC sa makupad na sistema ng kasalukuyang administrasyon kaugnay sa pag-release ng imported goods sa kanilang opisina.
Nagpalabas ang BOC nitong nakalipas na araw ng isang direktiba, na naglalayong mapabilis ang release ng medical at PPE shipments na gagamitin ng pamahalaan sa paglaban sa Covid-19. FROI MORALLOS
Comments are closed.