INIREKOMENDA ng isang kongresista ang paghahanap ng alternatibong pamamaraan ng pagnenegosyo tulad ng online business sa harap ng inaasahang paghina ng ekonomiya bunsod ng coronavirus disease 2019 o COVID-19.
Ayon kay Marikina Rep. Stella Quimbo, para makatulong at mapalakas ang ekonomiya sa online business ay kailangang isaayos ng Department of Information and Communications Technology (DICT) ang internet service at pabilisin pa ang internet speed sa bansa.
Bahagi, aniya, ito ng pagpapalakas sa ‘economic resilience’ ng bansa bilang tugon sa mga economic shock tulad ng COVID-19 na nakaaapekto hin-di lamang sa Filipinas kundi maging sa iba’t ibang panig ng mundo.
Paliwanag ng kongresista, sa ngayon ay malaking porsiyento ng GDP growth ng bansa ay mula sa service sector tulad ng turismo na malubhang apektado ng COVID-19 dahil sa travel restrictions na ipinatutupad sa China at sa mga special administrative region nito. CONDE BATAC
Comments are closed.