ONLINE CAREER FAIR IKINASA NG CSC SA SETYEMBRE

Civil Service Commission

HINIKAYAT ng Civil Service Commission (CSC) ang mga ahensiya ng pamahalaan at jobseekers na lumahok sa weeklong online career fair na nakatakda sa Setyembre.

Hinimok ni Commissioner Aileen Lizada ang mga ahensiya ng gobyerno na ipatala ang kanilang vacancies mula ­Hulyo 1 hanggang Agosto 14. Ang online job fair ay gaganapin sa Setyembre 14-18 sa pamamagitan ng hi­ring site JobStreet.

“It is very important that we have the correct number of people in a corresponding agency para ho hindi ho sila mahirapan to serve the public,” wika ni Lizada sa Laging Handa briefing.

Bagama’t ang ­Filipinas ay may 1.9 million government employees,  sinabi ni Lizada na kulang pa rin sila at hinikayat ang agency heads na punan ang kanilang mga bakanteng posisyon.

Aniya, sa CSC career fair noong nakaraang taon ay nasa 5,171 jobseekers ang nag-aplay para sa 7,327 vacancies.

Samantala, sinabi ni Lizada na sinusuportahan niya ang pagpapababa sa optional retirement age ng government employees sa 56 mula 60.

Magugunitang noong nakaraang taon ay inaprubahan ng Kamara ang isang  bill para rito.

Ayon kay Senate President Vicente Sotto III, dapat na mag-alok ang gobyerno ng early retirement incentives sa mga empleyado para mabawasan ang personnel expenses ng pamahalaan at makapaglaan ng pondo sa iba pang priority initiatives.

Comments are closed.