SIMULA ngayong araw ay magiging online na ang National Sports Coaching Certification Course ng Philippine Sports Commission (PSC).
Isang proyekto sa ilalim ng Sports Education and Training Program ng Philippine Sports Institute (PSI), ang NSCCC ay unang isinagawa sa Tagum City noong 2018 at sa Legazpi City at Davao City noong nakaraang taon.
Ang Visayas ay sasalang sa unang pagkakataon sa online coaches’ certification, kung saan puno na ang lahat ng slots sa 1,090 registrants.
“The present situation in the country should not deter us from continuing our programs and services to the sports community, specifically in enhancing the competencies of our coaches in the schools and the LGUs,” wika ni PSC oversight commissioner for Visayas Ramon Fernandez.
Ang sports coaches ng elementary at high school student teams sa Visayas ang magiging initial batch ng online learners para sa course’s Level 1 modules on Sports Philosophy, Sports Pedagogy, Sports Psychology, Sports Physiology, Talent Identification, at Sports Ethics.
Magsisilbing lecturers sina PSC-PSI sports education dean Prof. Henry Daut, PSC-PSI sports psychology head Dr. Karen Katrina Trinidad, PSC-PSI sports physiology head Prof. Josephine Joy Reyes, PSC-PSI sports specialist Prof. Luis Serafin Cosep, at Fr. Fonz Suico, CSSR. Gagamitin ang pinagsamang synchronous at asynchronous learning methods sa pamamagitan ng Google Meet at Google Classroom tools.
Ang mga nakapasa sa Level 1 pilot staging sa Legazpi at Davao ay inaasahang ipagpapatuloy ang Level 2 online, habang ikinakasa ang hiwalay na curriculum para sa coaches ng sports for the differently-abled sa Nobyembre.
“More coaches from other regions nationwide will have the opportunity to avail of Level 1 modules later this year,” wika ni PSI Sports Education Head Henry Daut.
Ang Luzon ay magkakaroon ng kanilang sessions para sa Region 1 at CAR sa Agosto 10-13, habang ang Mindanao ay magkakaroon para sa Region 10 sa Agosto 17-20. CLYDE MARIANO
Comments are closed.