ONLINE PROCESSING INILUNSAD NG BOC

Leonardo Guerrero

PINAIIRAL ang online processing ng Bureau of Customs (BOC) upang hindi maabala ang proseso at releasing ng mga kargo  sa bakuran ng Aduana at makaiwas sa face to face contact ang mga stake holders at kawani ng ahensiyang ito.

Nagpalabas si Commissioner Leonardo Guerrero ng Joint administrative Order na  magiging basehan upang mapabilis ang pagpasok ng medical supplies at essential goods sa bansa habang nasa ilalim ng general community quarantine (GCQ) ang buong Luzon at mga karatig na lugar sa Metro Manila.

Sa naturang kautusan ay pinapayagan ang online filing ng entries at online payment ng duties and taxes, kasabay sa implementasyon ng Provisional Goods Declaration (PGD), na siyang naging daan upang madali ang processing at releasing ng imported goods.

Nakasaad din sa kautusan ang immediate transfer ng mga overstaying container van sa bakuran ng Port of Manila (POM) at Manila International Container Port (MICP) sa iba’t ibang lugar sa Metro Manila upang maibsan ang port congestion sa dalawang malalaking pier sa bansa at  maibaba sa mga barko ang mga nakatenggang container van  na umaabot na sa mahigit dalawang buwan. FROILAN MORALLOS

Comments are closed.