BUKOD sa kanilang kasalukuyang pribilehiyo sa physical stores at facilities, ang senior citizens at persons with disabilities (PWDs) ay makatatanggap na rin ng discounts at exemption sa Value Added Tax (VAT) sa kanilang pagbili online, ayon sa Joint Memorandum Circular (JMC) na nilagdaan ng pitong ahensiya ng pamahalaan.
Ang JMC, na inisyu noong Mayo 6, ay nagtatakda ng 20% discount at 12% VAT-exempt sa senior citizens at PWDs sa kanilang pagbili ng goods and services, at 5% special discount para sa basic necessities at prime commodities.
Ang goods and services ay kinabibilangan ng medicines and medical supplies; professional fees ng attending physicians/licensed professionals sa private hospitals, medical facilities, outpatient clinics, at home health care services; medical and dental services, diagnostics at laboratory fees; public transportation fare;
utilization of services sa hotels, restaurants, at recreation centers; admission fees sa theaters, cinema houses at concert halls, circuses, leisure and amusement; food, drinks, desserts, at iba pang consumables; at funeral and burial services
Ang basic necessities ay inilalarawan bilang mga produkto na kinakailangan ng consumers para mabuhay habang ang prime commodities ay mga produkto na itinuturing na basic necessities subalit mahalaga para sa mga consumer.
Sa pagbili sa pamamagitan ng internet o online platform, kailangang ideklara ng bibili kung siya ay senior citizen o PWD bago ang placement ng order at i-attach ang kopya ng kanilang ID bilang pruweba.
Sakaling ang purchaser ay kapwa senior citizen at PWD, nakasaad sa JMC na isa lamang ang maaari niyang gamitin.
Ang JMC ay nilagdaan ng Department of Social Welfare and Development, Department of Trade and Industry, Department of Interior and Local Government, National Commission of Senior Citizen, Bureau of Internal Revenue, National Council for Disability Affairs, at Department of Health. Epektibo ito 30 araw mula sa petsa ng pagkakalathala.