ONLINE SELLERS NA ‘DI SUMUSUNOD SA SRP BINALAAN NG DTI

ONLINE SELLER

NAGBABALA ang Department of Trade and Industry (DTI) sa  mga online seller na hindi sumusunod sa suggested retail price (SRP).

Ito’y sa harap ng pagdami ng mga namimili ng kanilang pangangailangan online.

Ayon kay DTI undersecretary Ruth Castelo, lahat ng nagbebenta online ay dapat na sumunod sa itinakdang SRP ng ahensiya.

Kasabay nito, tiniyak ni Castelo na mahigpit nilang minomonitor ang presyo ng mga produkto na ibinebenta online.

Kumikilos na rin, aniya,  ang National Bureau of Investigation (NBI) at Philippine National Police (PNP) para mahuli ang mga gumagawa ng overpricing, profiteering o nagbebenta ng mababang kalidad na mga produkto. DWIZ 882

Comments are closed.