ONLINE SELLING I-REGULATE

ONLINE SELLING-4 copy.jpg

HINILING ng isang kongresista sa gobyerno na i-regulate at patawan na rin ng buwis ang online selling portals sa bansa.

Ayon kay PBA Partylist Rep. Jericho Nograles, magiging malaking problema sa hinaharap kung ang mga traditional merchant na nagbabayad ng buwis ay lilipat sa online selling na karamihan ay hindi nagbabayad ng tax.

Paglilinaw ni Nograles, hindi siya tutol sa online selling, ngunit dapat ay nare-regulate, aniya, ito ng gobyerno lalo na sa pagpapataw ng buwis sa mga produktong ibinebenta online.

Binigyang-diin niya na kung pababayaan ito ay mauuwi ito sa pagbagsak ng tax base ng bansa.

Dahil dito ay mag­hahain si Nograles ng resolusyon para siyasatin kung nagbabayad ng tamang buwis ang mga online merchant.

Aalamin din sa imbestigasyon kung ano ang mga hakbang na isinasagawa ng Department of Trade and Industry (DTI) at Bureau of Public Standards (BPS) para matiyak ang kalidad at kaligtasan ng mga produktong ibinebenta online.     CONDE BATAC

Comments are closed.