MARAMI pa ring natatanggap na reklamo ang Department of Trade and Industry (DTI) laban sa mga online shopping platforms.
Ito ay matapos ang pakulong 12.12 o December 12 grand yearend sale ng Lazada at Shoppee.
Ayon kay DTI Undersecretary Ruth Castelo, umabot na sa 1,200 ang reklamo laban sa online shopping sites na kanilang natanggap.
Payo ng DTI, dapat tiyaking lehitimo ang bibilhang shopping online app.
Iwasan ding mag-online shopping sa internet shop lalo na kung ipapasok ang credit card information.
Ugaliin ding suriin ang feedback mechanism at reviews.
Comments are closed.