MAYNILA – ONSEHAN sa droga ang isa sa hinihinalang sanhi makaraang tadtarin ng bala ng ‘di pa kilalang gunman ang isang lalaki sa Port Area.
Inilarawan ni P/Master Sgt. Jansen Rey San Pedro ng Manila Police District (MPD)-homicide section, ang nasawi sa edad 40-45, 5’4 ang taas, nakasuot ng maong na pantalon at t-shirt na blue.
Inaalam naman ng pulisya ang pagkakakilanlan ng suspek na tumakas matapos ang insidente.
Sa ulat ni San Pedro kay P/Captain Henry Navarro, naganap ang krimen dakong ala-1:20 ng madaling araw nitong Miyerkoles sa Block 9, Tambacan, Baseco Compound Port Area, Manila.
Sinabi ng mga tambay na matapos silang makarinig ng magkakasunod na putok ng baril ay pinuntahan ang pinagmulan at nakita na nakabulagta at duguan ang biktima. PAUL ROLDAN
Comments are closed.