BILANG tulong sa pamahalaan upang maiwasan ang pagkalat ng COVID-19 sa mga umuuwi at umaalis na migrant workers, isang Memorandum of Agreement ang nilagdaan ng Overseas Placement Association of the Philippines (OPAP) sa pagitan ng Christian Medical Clinic, isang DOH-registered and ISO 9001-compliant medical facility para sa COVID-19 testing.
Ang OPAP ay organisasyon ng mga POEA-licensed placement agencies na nakipagtulungan sa Christian Medical Clinic na magsisilbing satellite clinic ng Detoxicare Molecular Diagnostics Laboratory, The Lord’s Grace Medical and Industrial Clinic at ng iba pang COVID-19 medical laboratories na accredited ng DOH.
Ang staff nito ay binubuo ng highly-trained at highly-experienced medical professionals tulad ng mga doktor, nars at medical technologists.
“Kami ay nagsasagawa ng personalized service at specialized laboratory testing para sa COVID-19 (SARS-CoV-2) sa pamamagitan ng real time reverse transcription polymerase chain reaction (rRT-PCR) na itinuturing na cost effective diagnostic services pero hindi nako-kompromiso ang kalidad ng test results dahil ginagamitan ito ng pinaka-advanced na medical technology,” ayon kay Dr. Lyn De Leon, Medical Director ng Christian Medical Clinic.
Nakapaloob sa MOA, kailangang sumailalim sa COVID-19 tests sa clinic o drive-thru routine swabbing ang lahat ng umaalis at umuuwing OFWs na na-hire ng OPAP member-recruitment agencies na kung saan ay malalaman agad ang resulta ng swabbing.
Gayundin, para kaginhawaan ng OFWs, puwede rin gawin sa mga swabbing areas na ihahanda ng POEA-registered placement agencies na nag-hire sa kanila tulad ng Wilhelmsen and Smith Bell Manning, MAB International Services at Marine Bridge Corporation.
Para sa appointment o katanungan, ang mga OFW ay maaaring tumawag kay Ms. Cristine o kay Ms. Chai sa teleponong 0921 730 4736 (Smart), 0956 447 1701 (Globe), o 0923 610 0206 (Sun Cellular). MARIVIC FERNANDEZ
Comments are closed.