OPEN-PIT MINING BAN

DUTERT-OPEN-PIT-MINING

IGINIIT ni Pangulong Rodrigo Duterte na seryoso niyang kinokonsidera ang lubusang pagbabawal sa open-pit mining sa bansa para mai-wasan ang tuluyang pagkawasak ng kalikasan.

Ang pahayag ay ginawa ni Pangulong Duterte sa kanyang talumpati sa pagdiriwang ng ika-31 anibersaryo ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) sa Quezon City kahapon.

Ayon sa Pangulo, sinabihan na niya si DENR Secretary Roy Cimatu na darating ang panahon na kakailanganin na nitong magdesisyon na ipagbawal ang open-pit mining sa bansa na da-hilan ng pagkawasak ng kalikasan at mga sakuna at trahedya tulad ng mga pagguho ng lupa.

Sinabi ni Duterte na sa aerial survey sa Mindanao ay makikita ang mga parang tansan na butas sa kabundukan at hindi, aniya, sulit ang nasa P70-B  kita mula sa pagmimina bilang kapalit sa pinsalang iniiwan nito sa kalikasan.

“And so I’d like to reiterate to you again what I said during the last meeting sa Cabinet that there will be a time, I still have time left, that I will have to ban open-pit mining. Kasi sisirain ko ‘yan. Because they will…Alam mo ma’am, ‘pag nag-travel ka in Mindanao by chopper, makita mo ‘yung parang tansan ng coca-cola ‘yan sa bukid. Parang [damuhan?] and almost without let-up until the boundaries near… Puro butas ‘yan. Ang sabi ko nga kay Roy, sabi ko, ‘Roy, there has to be a time that we have to decide just to tell them frankly. Anyway, we’re getting something like “70 billion sa mining industry. Makukuha natin sa ibang bagay siguro ‘yan. I mean with the hardwork of Dulay and Lapeña, I think that they could — maybe at least a third of what we would have lost if we…But open-pit mining is really destroying the land. It catches — it’s like a water basin. It catches the water. Loosens the soil. And every now and then, you have this landslide,” anang Pangulo.

 

Comments are closed.