NAG-ABISO ang pamunuan ng Light Rail Transit Authority sa publiko sa pinaikli nilang operasyon.
Ito’y para bigyan ng pagkakataon ang mga kawani na makapagdiwang ng Pasko at Bagong Taon sa piling ng kanilang mga mahal sa buhay.
Sa LRT line 1, alas 4:30 ng umaga magsisimula ang operasyon nito simula ngayon, Disyembre 24 mula Baclaran patungong Roosevelt at pabalik.
Gayunman, alas-8:00 ng gabi ang huling biyahe ng mga tren nito sa Baclaran at Roosevelt ngayong araw.
Sa araw ng Pasko, Disyembre 25, alas-9:35 ng gabi ang huling biyahe ng tren mula Baclaran hanggang Roosevelt habang alas-9:45 ng gabi naman aalis ang tren mula Roosevelt patungong Baclaran.
Mula Disyembre 26 hanggang Disyembre 28 naman, eksaktong alas-10:00 ng gabi aalis ang mga tren mula Baclaran patungong Roosevelt habang alas-10:15 aalis ang tren mula Roosevelt patungong Baclaran.
Samantala, mapapaaga sa alas-8:00 ng gabi ang huling biyahe ng LRT line 2 mula Santolan ngayon habang alas-8:30 naman ng gabi ang huling biyahe mula Recto patungong Santolan.
Alas-7:00 ng gabi ang huling biyahe ng LRT 2 sa Disyembre 31 mula Santolan patungong Recto habang 7:30 naman ng gabi ang huling biyahe ng tren mula Recto patungong Santolan.
Comments are closed.