ISABELA – NABULABOG ng umano’y bomb threat ang mga tauhan ng Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) Region 2 at pansamantalang inihinto ang operasyon nito sa kanilang sub-office sa Ilagan.
Partikular na naantala ang pagbibigay ng form application sa pamilya ng mga overseas Filipino worker (OFW) para sa “Ompong” at financial assistance.
Sinabi ni Filipina Dino, director ng OWWA Region 2, hindi nila itutuloy ang nasabing proseso hangga’t walang natatanggap na clearance mula sa PNP.
Samantala, nilinaw ni Dino na hinimatay lamang at hindi namatay ang isa sa mga pumipila sa kanilang tanggapan dahil sa matinding init ng panahon.
Ayon sa kanya, agad naman silang nakatawag ng rescue dahil naka-standby malapit sa kanilang tanggapan ang BFP na nagbibigay ng first aid.
Sinabi pa ni Dino na hindi kinakaya ng OWWA ang dami ng mga nakapila sa kanilang tanggapan para makakuha ng form application para sa ayuda kaya ide-delegate na lamang nila ito sa local government units.
Ayon sa kanya, maaaring ipatupad na ang pagkuha ng form application sa mga LGU pagkatapos ng kanilang pulong sa mga Public Employment Service Office. AIMEE ANOC
Comments are closed.