LUMAKI ang operating income ng local government units (LGUs) mula PHP738.54 billion noong 2019 sa PHP825.2 billion noong nakaraang taon, na tumaas ng PHP86.66 billion o 12 percent, bunga ng mas mataas nilang internal revenue allotment (IRA) at pinaigting na local tax collections.
Sa report kay Finance Secretary Carlos Dominguez III, sinabi ng Bureau of Local Government Finance (BLGF) na ang pagtaas sa 2020 current operating income ng mga probinsya, lungsod, at bayan ay dahil sa 18-percent growth sa external revenue sources ng LGUs, kabilang ang IRA, na nagkakahalaga ng PHP509.65 billion, o mas mataas ng 11 percent kumpara sa PHP457.15 billion na kanilang tinanggap noong 2019.
Sinabi ni BLGF Executive Director Niño Raymond Alvina na bagama’t tumaas ang local tax collections noong 2020 sa PHP189.86 billion mula PHP183.46 billion noong 2019, ang kanilang share sa current operating income ng LGUs ay bumaba sa 23 percent noong 2020 mula 25 percent noong 2019.
Bumaba rin ang share ng non-tax revenues, na nagkakahalaga ng PHP61.79 billion noong 2020, sa 7 percent mula sa 10 percent noong 2019 nang umabot ang koleksiyon sa PHP70.36 billion.
Ayon kay Alvina, ang pagdepende ng LGUs sa external sources, na kinabibilangan ng IRA at iba pang transfers sa LGUs, bilang ratio ng kanilang operating income noong nakaraang taon, ay tumaas sa 70 percent mula sa 66 percent noong 2019.
“In aggregate terms, LGUs dependence on external sources in fiscal year (FY) 2020 reached 70 percent, which is 18 percent or PHP88.83 billion higher than 2019 levels. On IRA dependence, provinces showed the highest dependency ratio at 78 percent, fol-lowed by municipalities (74 percent) and cities (42 percent) in FY 2020,” ani Alvina.
Bukod sa IRA, ang iba pang external revenue sources ng LGUs ay ang ibang transfers mula sa national government (NG), na nagkakahalaga ng PHP63.9 billion noong 2020, o mas mataas ng 132 percent kumpara sa PHP27.57 billion noong 2019.
Ang share ng iba pang sources na ito sa current operating incomes ng LGUs ay lumago sa 8 percent noong 2020, o mas mataas ng 4 percent kumpara noong 2019.
Comments are closed.