Opisyal na Communication Channels ng PhilHealth

“Napansin kong nahirapan akong kumontak sa PhilHealth mula nang maapektuhan kayo ng cyberattack. Saan mabilis na masasagot ang aking mga ­katanungan?”
– Jenny
  Roxas District, Quezon City

Hi, Jenny! Kumusta ka? Bilang agarang tugon sa nangyaring insidente noong Setyembre, agad kaming nag-disconnect ng aming mga sistema para hindi na kumalat ang epekto ng pag-atake. Kasama na rito ang aming official e-mail account.

Pero, ngayon ay balik online na ang ­aming e-mail. Maaari mo nang ipadala ang iyong mga katanungan, kumento, o suhestiyon sa [email protected]. Bukod dito, nasa social media rin kami! Pwede mo ka­ming i-PM at i-DM sa Facebook (facebook.com/PhilHealthOfficial) at Twitter na ngayon ay X na (@teamphilhealth). Nakaabang ang ating mga kaibigan sa PhilHealth para sagutin ang mga mensahe niyo.

Isa pang magandang balita, Jenny. Malapit nang ilunsad ang aming 24/7 hotline number! Una na naming ginawa ito noong 2020 hanggang 2021, kasagsagan ng pandemya. Agad kaming magpapalabas ng anunsyo tungkol sa nakapananabik na development na ito sa mga susunod na raw.

Kung may oras ka, pwede mo kaming dalawin sa aming mga opisina para personal ka naming asistehan sa iyong mga pangangaila­ngan. Nasa aming website ang kumpletong listahan ng aming mga tanggapan: https://www.philhealth.gov.ph/about_us/directory/.

Salamat sa tanong mo, Jenny. Merry Christmas and Happy New Year sa iyo at sa iyong pamilya!

————————————————————————————————-

ANUNSYO

Good news mga ka-PhilHealth! Mapapakinggan na tuwing Huwebes, alas-tres ng hapon ang Alagang PhilHealth sa DZBB Super Radyo. Linggo-linggo kaming magbibigay ng impormasyon sa inyo tungkol sa aming mga programa, benepisyo, at serbisyo.

Mapapanood din ito sa aming Facebook Page: www.facebook.com/PhilHealthOfficial. Makakasama niyo ang aming Acting Vice President for Corporate Affairs, Rey T. Baleña, at si Ms. Kathy San Gabriel sa nasabing programa.

Maaari kayong magpadala ng inyong mga tanong para masagot on-air ang mga ito. Sana ay sundan niyo ang aming programa! Excited na kaming makasama kayo!

BALITANG REHIYON

Ang Local Health Insurance La Union ay lumahok sa People’s Day para ­magbigay serbisyo sa mga residente ng Upland Barangays ng Bangbangolan, San ­Fernando City, La Union.

Para sa inyong mga katanungan, kumento, at suhestiyon, mag-iwan ng voice-mail sa ­aming Callback Channel: 0917-8987442 para sa ­detalye ng concern.

Pwede ring magpadala ng e-mail sa ­[email protected]. I-follow kami sa Facebook (PhilHealthOfficial) at Twitter (@teamphilhealth) para sa updates tungkol sa NHIP. Panoorin ang mga videos namin sa ­YouTube at mag-subscribe sa aming Channel (youtube.com/@teamphilhealth).