MAS pinaigting ng Highway Patrol Group (HPG) at ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang kanilang operasyon laban sa mga isnaberong taxi driver ngayong Kapaskuhan.
Ayon sa HPG at LTFRB, tuloy-tuloy ang kanilang pagbabantay sa mga pasaway na taxi driv-ers, partikular ang mga namimili ng pasahero, lalo na ngayong pahirapan ang biyahe at pag-sakay.
Batay sa ulat, hindi nakapalag ang mga taxi driver sa Quezon City nang tiketan sila ng mga operatiba ng HPG at LTFRB makaraang tanggihan ang mga pasahero.
May ilan ding sinita dahil sa paglabag sa ilang ordinansa tulad ng hindi pagsusuot ng uni-porme habang pumapasada at nakasuot lamang ng tsinelas.
Nangako ang HPG at LTFRB na hindi sila titigil hanggang hindi tumitino ang mga pasaway na driver. PILIPINO Mirror Reportorial Team
Comments are closed.