ORTIGUERRA NANORPRESA SA PH AQUATICS TRYOUTS

NAITALA ni Trixie Ortiguerra ang pinakamalaking upset para matabunan ang nangin- gibabaw na performance ng ilan sa mga pinakabatikang junior internationalists habang nagpapatuloy ang aksiyon sa Philippine Aquatics-organized National Tryouts NCR leg nitong Sabado sa Teofilo Yldefonso swimming pool sa Rizal Memorial Sports Complex (RMSC) sa Malate, Manila. 

Tinalo ng 16-anyos na Grade 10 student mula sa Sto, Cristo Integrated School sa Tarlac City ang Vietnam-based at two-time World Junior campaigner na si Heather White sa makapigil-hiningang duelo sa girls’ 15-17 50m back- stroke sa tatlong araw na torneo na nagsisilbing huling proseso ng pagpili para sa 44-man Philippine Team na sasabak sa 11th Asian Age Groupo swimming championship na iho-host ng bansa sa Disyembre 3-6 sa New Clark Aquatics Center sa Capas, Tarlac.

Nagsumite si Ortiguer- ra ng oras na 31.20 segundo sa unahan ni White na pumangalawa sa 32.27.

“Masayang-masaya po ako, first time ko pong nakalaban sa back stroke si Heather (White), kaya nagulat ako kasi ang bilis niya kahit hindi talaga siya back stroker. Pasalamat lang ako at nakuha ko ‘yung panalo and very hopeful ako na mapasama sa Philippine Team after three years,” sabi ni Ortiguerra, na 13-anyos pa lamang noon nang mapasama sa National team sa 2019 SEA Age Group edition.

Si White, 16, ay naunang nanalo sa girls’ 15-17 400m freestyle sa oras na 4:35.57.

“Hindi talaga ako back stroker, kaya sobrang saya ko sa mga resulta,” sabi ni White, isang national junior record holder sa freestyle.

Gaya ng inaasahan, dinomina ng beteranong internationalist na si James- rey Ajido ang boys’ 12-14 class sa panibagong tagumpay sa 200m Individual Medley (2:16.01). Sa araw ng pagbubukas, inangkin ng 14-anyos na multi junior-record holder ang 200m freestyle (2:02.68), at 50m back (28.90).

Ang iba pang kilalang junior tankers na nakakuha ng ‘provisionary’ status para sa National Team ay sina Arabella Taguinota sa girls’ 15-17 100m breas- troke (1:13.40), Chantelle Coleman sa girls’ 12-14 100m breast (1:19.82) at 50m breast ( 35.24), Kyla Louise Bulaga sa girls‘ 12-14 200m Im (2:35.10), Joshua Ramos sa boys’ 18 & over 50m back (27.79).

Peter Cyrus Dean sa boys’ 15-17 50m (27.74), Ka- cie Gabrielle Tionko sa girls’ 15-17 800m freestyle (10:03.51), Philip Santos sa boys’ 18-pover 400m Im (4:52.68), Mishka Sy sa girls’ 18-over 400 IM (5:18.59), Patricia Santor sa girls’ 400m IM (5:19.23), Aishel Evange- lista sa boys‘ 12-14 400m Im (4:26.06), Thanya Dela Cruz sa girls’ 18-over 50m breast (31.83), at Ashton Clyde Jose, boys 12-14 50m breast (32.57).

Sinabi ni Tournament Director Chito Rivera na ang nangungunang dalawang swimmers sa kani-kanilang age group o ang mga nakakuha ng puntos na pinakamalapit sa World Aquatics 700 points ay ikokonsidera sa Philippine team.

EDWIN ROLLON