OSPITAL HANDA NA SA MGA MAPUPUTUKAN SA NEW YEAR’S EVE

naputukan

HANDA   na ang Jose Reyes Memorial Medical Center sa Manila para sa pagsalubong sa Bagong Taon.

Makikita sa labas ng ospital ang malaking tarpaulin para sa Oplan Iwas Paputok campaign ng Department of Health (DOH).

Nakalatag na rin ang mga gamot sa emergency room para sa posibleng pagdagsa ng mga kasong may kinalaman sa paputok gayundin ang mga equipment na kailangan sa mga operasyon.

Sa tala ng DOH, umaabot na sa 24 ang fire-cracker related injuries ilang araw bago ang pagsalubong sa Bagong Taon kaya hinimok ng DOH sa mga magulang  na subaybayan ang kanilang mga anak upang maiiwas ang mga ito sa disgrasya.

Hinimok ni DOH Secretary Francisco Duque III ang mga magulang na kumpiskahin ang mga paputok na binibili ng kanilang mga menor de edad na anak.

Ayon kay Duque, hindi dapat isugal ng mga magulang ang kalusugan at kaligtasan ng kanilang mga anak dahil lamang sa kanilang kapabayaan.

Dapat aniyang silipin ang mga kuwarto at cabinet kung may mga nakatagong paputok at kumpiskahin ito agad.

Nanawagan ang kalihim sa publiko na iwasan na ang pagpapaputok sa pagsalubong sa bagong taon upang maiwasan ang disgras­ya gaya ng pagkaputol ng mga daliri. LHEN AGUIRRE, DREW NACINO-DWIZ882

Comments are closed.