KINILALA ng Civil Service Commission (CSC) ang mga nagwagi sa isinagawang “2022 Search for Outstanding Government Workers”.
“IT is with pride that I announce the winners of the Civil Service Commission (CSC) Pagasa Award as these lingkod bayani are considered gems in public service. They belong to that distinct group of government workers who quietly and without fanfare, pursued their public service mandates with indefatigable commitment, excellence, and integrity, to the extent of putting their lives on the line in the spirit of delivering much needed services, especially in the grassroots,” pahayag ni CSC Chairperson Karlo A. B. Nograles.
Ang annual search na ito ay may tatlong kategorya – ang Presidential Lingkod Bayan, Outstanding Public Officials and Employees o ang Dangal ng Bayan, at ang CSC Pagasa, na iginagawad sa bawat indibidwal o grupo dahil sa kanilang katangi-tanging kontribusyon na nagbigay ng direktang benepisyo sa higit sa isang departamento ng gobyerno.
Isa sa tumanggap ng award ay ang Community-based Rice Mushroom Production Team ng Bataan Peninsula State University (BPSU). Ang kanilang naging inisyatiba ay nagpaangat sa kabuhayan ng mga magsasaka mula sa Bataan sa pamamagitan ng pagpapakilala at pagsusulong ng integrated farming system approach gaya ng mushroom production, vermin composting, at off-season vegetable production gamit ang rice straws. Ang research-based technology transfer trainings, capacity building sa crop diversification, at entrepreneurial skills development na ibinahagi ng nasabing grupo sa mga magsasaka ay nakapagbigay ng malaking pagtataas sa production capacity, productivity, competitiveness, at sustainability ng mga huli.
Ang isa namang CSC Pagasa awardee ay mula sa Department of Education (DepEd) Division of Panabo City, sa lalawigan ng Davao del Norte, si Chief Education Supervisor Ailene B. Añonuevo.
Pangunahing naging hakbang niya ay masigurong ang edukasyon ay magiging ‘accessible’ o mabigyan ng kaukulang edukasyon ang indigenous peoples o IPs.
Sa pamamagitan ng kanyang research hinggil sa nakababahalang dropout rate sa hanay ng IP learners dahil sa layo ng lokasyon ng kanilang paaralan at ipinakitang dedikasyon na pangunahan ang isang proyekto at masigasig na pakikipag-ugnayan sa donors, ang pagsusumikap niya ay nagresulta sa pagpapatayo ng “Balay Paglaum Para sa Estudyanteng Lumad”. Ito’y isang inisyatiba na nagresulta rin sa “zero non-reader” at “zero dropout records” sa nasabing school division kung saan ang mga IP beneficiary ay nagawang makapagtapos ng kanilang secondary education.
Ang iba pang tumanggap ng CSC Pagasa award ay sina Professor VI Edward A. Barlaan ng University of Southern Mindanao Kabacan, North Cotabato; Master Teacher I Pablita R. Cabarles ng Manga National High School, Division of City Schools-Tagbilaran City (DepEd); City Government Department Head I (City Health Officer) Dr. Fulbert Alec R. Gillego ng City Government of Legazpi; at ang eGOV Technical Team ng Provincial Local Government Unit of Davao De Oro.
Ang annual Search for Outstanding Government Workers ay pinangangasiwaan ng CSC’s Honor Awards Program (HAP). Para sa iba pang impormasyon hinggil dito at mga naging awardee, maaaring makipag-ugnayan sa HAP Secretariat, Public Assistance and Information Office sa pamamagitan ng email address: [email protected]; Contact Center ng Bayan email address: [email protected] at sa CSC Facebook page at www.facebook.com/civilservicegovph.
ROMER BUTUAN