Outpatient Mental Health Benefit Package

“Totoo bang may benepisyo na kayo para sa mental disorders?”
   – Michelle
     Apalit, Pampanga

Yes, Michelle! Correct ka d’yan. Ito ang pinakabagong benepisyo ng inyong PhilHealth na inanunsyo noong Oct. 12.

Talaga namang kailangang bigyang-diin ang kahalagahan ng Mental Health sa ating bansa dahil nakalulungkot isiping isa sa bawat sampung Filipino na young adult ay nakararanas ng depresyon at anxiety disorder sa ating panahon.

 

Ito ang tutugunan ng PhilHealth sa pamamagitan ng pagbibigay ng benepsiyo at angkop na mga serbisyo at gamot sa ating mga kababayan para sa mental health. Katunayan, puspusan ang aming pagpoproseso ng mga aplikasyon ng mga health facilities para maging accredited sila bilang PhilHealth Outpatient Mental Health Benefit Package Provider.

Kapag nagkaroon na ng accredited facilities, agad makagagamit ng benepisyo ang mga kababayan nating nangangailangan nito. Siguro ang susunod mong tanong ay kung magkano ang halaga ng benepisyo at saang pasilidad ito magagamit? We got you, Michelle!

Ang pakete para sa General Mental Health Services ay nagkakahalaga ng P9,000 kada taon at magagamit sa mga rural health units, Level 1 at 2 na ospital, Department of Health (DOH)-accredited Mental Health Access Sites, at free-standing facilities na mayroong trained health care professionals.

P16,000 naman ang benepisyo para sa Specialty Mental Health Services na magagamit sa mga Level 3 hospitals, Level 2 na ospital na may espesyalista sa psychiatry, neurology, at psycho­logy. Present din ito sa mga DOH-identified national specialty centers for mental health.

Michelle, ang mga serbisyong nakapaloob sa mga benefit packages na ito ay screening at assessment, diagno­stics, follow-up visits, psychoeducation, psychosocial support, psychotherapy, at mga gamot ayon sa pangangailangan ng pasyente. Whew! Ang dami!

Dahil dito, tiyak na mabibigyan ng suportang pinansyal ang ating mga kababayan para labanan ang mental health disorders tungo sa maganda at produktibong pamumuhay. Salamat sa iyong tanong at ikumusta mo kami sa mga miyembro natin d’yan sa Apalit, Michelle!

 

Balitang Rehiyon!

Ang PhilHealth at National Center for Mental Health ay lumagda sa isang kasunduan para sa implementasyon ng PhilHealth Outpatient Mental Health Benefit Package sa isinagawang paglulunsad ng 2024-2028 Strategic Framework ng Philippine Council for Mental Health.

Para sa inyong mga ­katanungan, ­kumento, at suhestiyon, ­mag-text sa ­aming Callback Channel: ­0917-8987442. Text PHICcallback <space> Mobile o ­Metro Manila ­Landline number <space> ­detalye ng concern.

I-follow kami sa Facebook ­(PhilHealthOfficial) at Twitter ­(@teamphilhealth) para sa updates tungkol sa NHIP. Panoorin ang mga videos namin sa YouTube at mag-subscribe sa aming Channel (youtube.com/@teamphilhealth).