P 81.6 M SHABU NASABAT SA PANTALAN

shabu

CEBU CITY- UMAABOT sa P81.6 milyong halaga ng shabu ang nasabat ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA)-7 sa bahagi ng Pier 3 sa lalawigang ito noong Sabado ng gabi.

Base sa ulat ni PDEA-7 Director Levi Ortiz na naisumite kay PDEA Director General Wilkins Villanueva, nakasilid sa sound box ang kilo-kilong shabu na sinasabing pinadala ng courier express mula sa Maynila.

Ayon naman kay PDEA Information Director Derrick Careon, isinailalim sa random inspection ng PDEA RO-7SIU ang regional headquarters ng express courier sa Mandaue City bandang alas-3 ng hapon.

“During the course of the K9 Paneling and sweeping of cargoes, the PDEA K9 showed indicators that the three (3) black boxes w/ LED spotlight contained illegal drugs”, pahayag ni Carreon.

Nabatid na natunton ng K9 unit ang nasabing kargamento kaya isinailalim sa X-ray machine sa pier at nang binuksan ang LED spotlight na nasa sound box, tumambad ang 12 kilong shabu na may street value na P81.6-milyon.

Ani Ortiz, dumaan sa masusing surveillance ang natukoy na drug syndicate kung saan nakikipag-ugnayan na ang PDEA-7 sa express courier na naghatid umano ng sound box sa nasabing lungsod. VERLIN RUIZ

Comments are closed.