P0.40/L TAAS-PRESYO SA DIESEL; P0.25/L SA GASOLINA SIMULA NGAYONG ARAW

PETROLYO-20

MULING magkakaroon ng dagdag-presyo sa mga produktong petrolyo simula ngayong Martes.

Sa abiso ng Shell, Seaoil, Petro Gazz, Cleanfuel, Caltex, at Total, nasa P0.40 ang itataas ng presyo sa kada litro ng diesel, habang P0.25 naman sa kada litro ng gasolina.

Magpapatupad din ang Shell, Seaoil at Caltex ng P0.60 dagdag-presyo sa kada litro ng kerosene.

Ang price adjustments ay epektibo alas-6 ng umaga maliban sa Caltex na magpapatupad alas-12:01 ng hatinggabi at Cleanfuel na mag-a-adjust alas-4:01 ng hapon.

Noong nakaraang Martes ay nagpatupad din ng price hike ang mga kompanya ng langis sa kanilang mga produkto.

Comments are closed.