MAY dagdag-presyo sa gasolina sa ikatlong sunod na linggo simula ngayong araw, habang sa diesel at kerosene ay ika-7 sunod na linggo na.
Sa abiso ng Pilipinas Shell Petroleum Corp., ang presyo ng kada litro ng gasolina ay tataas ng P1.05, diesel ng P0.85, at kerosene ng P0.30.
Ang Cleanfuel at Petro Gazz ay magpapatupad din ng kaparehong adjustments maliban sa kerosene na hindi nila iniaalok.
Epektibo ang price hike ngayong alas-6 ng umaga maliban sa Cleanfuel na magpapatupad ng which adjustments alas-4:01 ng hapon ng kaparehong araw.
Sa datos ng Department of Energy (DOE), hanggang noong Hunyo 9, 2020, ang year-to-date adjustments ay may net decrease na P7.97 kada litro para sa gasolina, P11.09 sa diesel, at P14.44 para sa kerosene.
Comments are closed.